Walang pang natutupad sa mga pangako ng DepEd
Ang Department of Education ay wala pang natutupad sa mga pangako lalo na para sa kapakanan ng mga guro,.
Ayon kay Teachers’ Dignity Coalition Chairperson Benjo Basas na hindi pa napapatupad ng DepEd ang plano nitong mag-hire ng mga non-teaching personnel.
“Actually, hindi pa yan nagma-materialize. May mga ilan pong mga schools, mga ilang division offices na they were able to hire na po administrative staff pero hindi pa po lahat. Kaya sa totoong buhay, after that pronouncement po, e pwede kong sabihin na halos wala pa rin naman pong pagbabago in almost entirety of the Department of Education,” ani Basas.
“Syempre pinanghahawakan po namin yang commitment na ‘yan ng ating Vice President Inday Sara. At sinabi ko nga po na at least ‘no, ni-recognize nila na these problems exist po,” dagdag niya.
Samantala, hinihintay din ng grupo ang mga non-wage benefits habang hindi pa maibigay ang hirit nilang dagdag-sweldo.
“Sa panahon na hindi pa pwede yung pagbibigay ng umento sa sweldo e syempre, anything po na pwedeng ibigay sa mga teachers, incentives o non-wage benefits po, ano rin naman yan e, kapag kinuwenta natin parang pera rin ‘yon e kasi halimbawa, kung bibigyan ka ng bigas, you won’t buy bigas na from your salary. But of course, ultimately, our main demand e sana po ‘yong umento sa sweldo po,” hirit ni Basas
0 Comments