Grade 7 patay sa saksak ng kaklase sa loob ng klasrum
Patay ang isang 13-anyos na Grade 7 nang saksakin ng kanyang kaklase sa isang paraalan sa Barangay Culiat, Quezon City, Enero 20 ng umaga.
Batay sa report ng Station Number 4 ng Quezon City Police, nangyari ang pananaksak alas-5:45 ng umaga sa Culiat High School.
Naisugod sa New Era Hospital ang biktima ngunit idineklarang patay ng doktor ang biktima ala-6:30 ng umaga dahil sa rami ng saksak sa katawan.
Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima na tubong Jolo, Sulu at ang kanyang kaklase na 15-anyos na si alyas Ras.
Bukod sa magkaklase, magkapitbahay rin ang dalawa sa nasabing barangay at ang ugat umano ng away ay selos.
Sa report ni Capt. Anthony A. Dacquel, chief investigation unit ng nasabing police station, sa follow up operations ay naaresto nina PMsg Engelbert Santos at PCpl Ranjay Refran ang binatilyong suspek.
0 Comments