Guro, patay ng matagpuan sa loob ng paaralan
Natagpuang patay at puno ng saksak sa katawan ang isang guro sa paaralan ng Naga City, Cebu Linggo ng hapon.
Ang biktima ay si June Leo Pañares, 33- anyos, high school teacher sa City of Naga Integrated Center for Science, Technology, Culture and Arts sa Barangay Inoburan.
Ayon sa pulisya, sa paaralan umano natulog ang biktima Sabado ng gabi.
Pinuntahan ng guro si Pañares sa tinutulugan nitong stockroom ng maabutan nito na may maraming dugo at binalot ng kurtina ang katawan ng biktima.
“May posibilidad na robbery,” ayon sa hepe ng Naga City Police Station PLTCOL Junnel Caadlawon.
Ayon kay Caadlawan, nawala na ang motorsiklo at cellphone ng biktima.
May isang person of interest ang pulisya na nakita nila sa footage ng CCTV sa lugar.
Patuloy pa umano ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

0 Comments