Dagdag sahod sa science, math teachers isinusulong
Ayon kay Pampanga Rep. Gloria Arroyo, ang mga guro ay “fountain of knowledge and expertise“, pinasalamatan niya ito kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day.
Nanawagan ang kongresista na kilalanin ang kakayahan ng mga guro.
Isinusulong ni Arroyo ang panukala na magpapataas sa kakayahan ng mga guro sa Science and Technology at Mathematics.
Sa ilalim ng House Bill 487 o Developing Globally Competitive Science and Mathematics Teachers Act of 2022, nais ni Arroyo na maging rewarding professional career ang pagiging guro sa Science at Mathematics.
Nakasaad sa panukala na payagan ang mga new graduate na ang major ay Science at Math na makapagturo bago pa man pumasa sa licensure examination.
“In effect, this bill will ensure that teaching in the fields of science and mathematics will be as competitive as those of other professions, and thus increase the number of competent teachers who will prepare Filipinos for global excellence,” saad pa ni Arroyo.
0 Comments