Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

Guro sa Albay patay dahil sa sobrang trabaho

Guro sa Albay patay dahil sa sobrang trabaho

Patay ang isang guro sa bayan ng Daraga kahapon alas 4 ng hapon at ang dahilan ay ang di umano’y sobrang trabahong binibigay sa kanya.

Ayon sa kamag-anak ng guro, nagpaalam daw ito sa kanyang punong guro kung pwede ay lumiban muna siya sa kanyang pagpasok dahil sa masama ang pakiramdam subalit hindi umano ito pinayagan dahil kailangan di umano muna siyang i-CO (Class Observation).

Napilitan pa umanong pumasok ang guro upang ayusin ang mga kakailanganin para sa kanyang Class Observation na nakaschedule sa araw ng martes at nitong lunes ng hapon nga ay nagkusa na ang guro na pumunta ng Hospital pagkagaling sa pinapasukang paaralan.

Nagpunta ito sa hospital at suot pa ang unipormi nito at nitong martes ay tuluyan na itong binawian ng kanyang buhay.

Nagluluksa ngayon ang pamilya ng biktima dahilan sa sinapit ng kanilang kaanak.

Samantala ay patuloy na kinukuha ang panig ng nasabing Punong Guro at hinihintay ang pahayag ng pamunuan ng DepEd SDO-Albay.


Post a Comment

0 Comments