Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

Palarong Pambansa 2023

Palarong Pambansa 2023

Inanunsiyo ng Department of Education ang Palarong Pambansa mula Hulyo 29 hanggang Agosto 5.

Sa DepEd Memorandum No.005, s.2023 na nilagdaan ni Undersecretary Revsee Escobedo, ang Palarong Pambansa ay gaganapin sa ilalim ng Republic Act No. 10588, o ang “Palarong Pambansa Act of 2013.”

Magiging host ang local government unit ng Marikina kasama ang DepEd National Capital Region office at ang Schools Division Office ng Marikina City.

Ang Palaro ay lalahukan ng 17 DepEd regional athletic associations.

“Filipino athletes enrolled in recognized schools overseas shall also be allowed to participate under the banner of Philippine Schools Overseas,” sabi pa ng DepEd.

Batay sa inirekomendang iskedyul, ang Division Meets ay isagawa sa kalagitnaan ng taon na bakasyon mula Pebrero 6 hanggang 10, ang Regional Meets naman ay dapat maganap sa pagtatapos ng Third Academic Quarter mula Abril 24 hanggang 28.


Post a Comment

0 Comments