Guro ng nagpakain ng basura sa kanyang mga estudyante, Kulong
Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol ng Court of Appeals laban sa isang guro na kinasuhan ng child abuse nang pakainin ng mga piraso ng basura ang ilan niyang estudyante.
Sa 4-pahinang Notice, ibinasura ng SC ang petisyon ng gurong si Melany Garin at pinagtibay ang hatol ng CA na makulong siya ng mula apat na taon at siyam na buwan hanggang anim na taon at walong buwan.
Ang akusado ay hinatulan ng mababang korte na guilty sa kasong child abuse nang puwersahan niyang pakainin ang ilan niyang estudyante ng mga piraso ng basura tulad ng papel, lapis, at balat ng kendi.
Dinagdagan pa ng SC ang hatol nang ipag-utos ang pagbabayad ni Garin ng P20,000 moral damages, P20,000 exemplary damages, P20,000 temperate damages at P15,000 fine o kabuuang P75,000 damages.
Ikinatuwiran ng korte na ang akto ng pagpapakain ng basura sa mga mag-aaral ay walang duda na nagtanggal sa dignidad at halaga ng mga bata.
Nabatid pa na dumanas ang isang estudyante ng lead poisoning at nag-develop ng Post-Traumatic Stress Disorder.
0 Comments