P49K sweldo ng Teacher 1, isinusulong
Isinusulong ni Quezon City Rep. PM Vargas ang panukala na magdodoble sa sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan
Sa House Bill 4070, nais ni Vargas na mula sa P25,439 o Salary Grade 11 ay itaas sa P49,835 o SG 19 ang suweldo ng mga bagong pasok na guro o Teacher 1.
“With the rising costs of living, many teachers still struggle with the financial limitations of their profession while maintaining the delivery of quality education to our students amid the pandemic,” pahayag ni Vargas.
Ayon kay Vargas na ang kanyang panukala ay batay sa hiling ng mga guro dahil kulang pa rin ang tinanggap nilang increase sa ilalim ng Salary Standardization Law of 2019 o Republic Act 11466.
“We must recognize the dedication and guarantee the retention of competent teachers by ensuring that the remuneration due to them is commensurate to their work load,” paliwanag niya.
0 Comments