Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

4 hours/day teaching time, apela ng mga guro

4 hours/day teaching time, apela ng mga guro

Umaapela sa Department of Education ang isang grupo ng mga guro na bawasan ang oras ng pagtuturo at gawin itong apat na oras na lamang kada araw.

Ayon kay Alliance of Concerned Teachers spokesperson Ruby Bernardo na hindi makatao ang walang tigil na pagtuturo ng mga guro ng anim na oras kada araw.

Dagdag pa niya, may ilang guro ang kinakaila­ngan pang tapusin ang ibang trabaho at lumalampas ng anim na oras kada araw.

“Sobrang piga na sa pagod ang ating mga guro pagkatapos ng maghapon na pagtuturo, at ang nalalabing dalawang oras ng trabaho sa isang araw ay napupunta pa sa paggawa ng mga reports at non-teaching duties,” aniya pa.

Batay sa Magna Carta for School Teachers, ang teaching hours ay dapat anim na oras kada araw.

Una nang sinabi ng DepEd na gumagawa na sila ng paraan upang mabawasan ang trabaho ng mga guro. 

Kagaya na lamang ng pagbabawas o pagtatanggal sa kanila ng administrative tasks.


Post a Comment

0 Comments