DSWD wala umanong koordinasyon sa DepEd sa pamimigay ng educational assistance
Wala umanong komunikasyon ang DSWD sa DepEd Division Office tungkol sa educational assistance at nalaman na lang nila na humihingi ng certificate of enrollment ang mga magulang at estudyante at nagrereklamo ng hindi agad sila mabigyan ng eskwelahan sa kanilang hinihingi.
Kung sumulat lang daw sana ang DSWD sa Division Office ay nasabihan nila ang mga school head na kailangan ang mga nabanggit na dokumento sa pag- claim ng educational assistance.
Kaya apela ni Guemo hindi lang sa DSWD kundi sa iba pang partner agency na makipag ugnayan sa kanila lalo na kung may mga kailangang i- request na school document.
Pinatututukan naman ni Guemo ang mga estudyante na nag- enroll lang dahil sa ibinibigay na educational assistance ng DSWD.
Nangangamba ang DepEd na baka magkaroon ng mga drop out na estudyante dahil dito.
Nanawagan si Guemo sa mga school head at guro na i- monitor ang mga nag- enrool dahil baka ang layunin lang ng mga ito ay makuha ang cash assistance.
0 Comments